TCSES Kindergarten wagi sa Bulilit Festival 2013

posted Nov 26, 2013, 3:49 AM by Rhodelia Salas   [ updated Feb 17, 2016, 6:11 AM ]
   
                
                Nagkaroon ng District Bulilit Festival noong Oktubre 17, 2013 mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Ito ay nilahukan ng walong (8) paaralan mula sa unang distrito ng Lungsod ng Balanga. Ito ay may iba’t-ibang kategorya tulad ng Chamber Theater, Vocal Singing Solo, Creative Dance, Malikhaing Pagkukwento at Malayang Pagguhit. Mapalad ang T. Camacho Sr. Elementary School na nakasungkit ng panalo sa Vocal Singing Solo - 2nd place sa pamamatnubay ng kanyang guro na si Gng. Josephine Castillo. Nakakuha din ng 2nd place sa Chamber Theater  at si Gng. Cristina R. Casimiro ang nagsilbing gurong tagasanay. Hindi naman din nagpahuli ang ating mga kalahok sa Creative Dance na nakakakuha  ng 1st place pinatnubayan ng talentadong guro na si G. Randy R. Salandanan.

       Lahat ng nanalo sa District Bulilit Festival ang naging panlaban ng District I sa Division Bulilit Festival. Ang T. Camacho Sr. ES Kindergarten ay tinanghal na Champion sa Creative Dance. Tunay na talentado ang mga mag-aaral ng T. Camacho Sr. Kudos!


                                                                                                                                             
Comments