DSPC, Muling Pinagtagumpayan ng TCSES

posted Nov 26, 2013, 3:58 AM by Rhodelia Salas   [ updated Feb 17, 2016, 6:11 AM ]
  Isang napakalaking kara-ngalan ang naidudulot ng mga mahuhusay na mag-aaral sa kanilang paaralan tuwing mapapabilang sila na lumahok sa iba’t-ibang paligsahan. Isa na rito ang Division Schools Press Conference (DSPC). Nito lamang nakaraang  dalawang buwan, lumahok ang T. Camacho Sr. ES sa ginanap na DSPC sa BES.

            Tatlo sa mahuhusay na mag-aaral natin ang nag-uwi ng karangalang higit pa sa inaasahan natin, sapagkat hindi ganon kadali ang manalo sa napakaprestihiyosong paligsahang tulad nito. Mula sa Newswriting Category, nasungkit ni Justine S. Ballon ang 2nd Place, sa pagsasanay ng kanyang mahusay na gurong tagasanay na si Gng. Mirasol L. Galang. Gayon din, naiuwi ni Venice B. Cunanan ang 2nd place sa Copyreading and Headline Writing, na ginabayan ng kanyang matiyagang gurong tagasanay na si Gng. Rhodelia G. Salas. Hindi rin nagpahuli ang Radio Broadcasting Category sa kanilang Infomercial na pinagwagian din ang 2nd place sa pagtuturo ng isa sa masisipag na guro ng TCSES na si Bb. Almaira R. Dalidig. Sila ay sina Ria S. Obado at Jemma Rose S. Dela Cruz.

         Tunay na may malaking naiwang marka na sila sa ating paaralan sapagkat sa darating na Ika-28 at 29 ng Nobyembre, 2013 ay lalahok sila sa di birong paligsahan, ang Regional Schools Press Conference (RSPC) bilang mga kinatawan ng City Division of Balanga kasama ang iba pang mahuhusay na mag-aaral mula sa iba pang paaralan.                                                                                                                        

                                                                                                                        

Comments