LATEST NEWS‎ > ‎

TCSES, Muling Nasungkit ang Kampeonato

posted Nov 26, 2013, 4:49 AM by Rhodelia Salas
    
          Muli na namang pinatunayan ng mga mag-aaral ng T. Camacho Sr. ES ang kanilang husay at galing sa larangan ng palakasan na ginanap noong ika- 23-25 ng Oktubre, 2013. Napagtagumpayan ng Volleyball Girls ang laban sa isa ring magaling na koponan, ang BES. Naiuwi natin ang tropeyo ng pagiging kampeon sa pangunguna ng kanilang napakatiyagang Tagasanay na si G. Darwin G. Miguel at Katulong na Tagasanay na si Gng. Priscilla P. Dizon. Kabilang sa mga batang nag-kampeon sina Lira Basa, Hazel Nicole Melano, Lyka Aquino, Clariescel Salas, Richalyn Tranate, Alberlene Quiatchon, Priscilla Barlin, Princes Rein Rodriguez, Crisnel Manabat at Jenina Vienne Santiago.

            Di rin pahuhuli ang pangkat ng mga bata sa Sepak Takraw na masasabing “trademark” ng T. Camacho, kung saan mula noon ay hindi umuuwing talunan mapa-District Meet o City Meet pa man. Nakamit din nila ang kampeonato sa taong ito sa paggabay ng kanilang mahusay na Tagasanay na si Gng. Susan Q. Fernandez. Kinabibilangan naman nina Jhun Mark Mendoza, John Arnel Mendaroz, Mark Lewis Tan, Ace Philip Wapin, Jose Dacaya at Reynaldo Del Pilar Jr. ang nasabing koponan.

            Bukod sa pagiging kampeon ng Volleyball Girls at Sepak Takraw, nagpamalas din ng kanilang husay ang mga manlalaro sa larangan ng Volleyball (Boys),Chess at Athletics. Nakamit ng Volleball Boys ang Ikalawang puwesto sa tulong ng kanilang magaling na tagasanay na si G. Dodgie C. Española. Sina Erwin Moreno, Lawrence Ibañez, Ronel Bangcoleta, John Mark Aguilar, Wency Reyes, John Carlo Reyes at Reuben Cruz ang mga manlalarong bumubuo dito. Nakamit ng Chess ang 3rd at 5th place, sina Ricardo De Leon (3rd place) at KC Urquiza (5th place) naman ang mga batang pambato sa larangan ng Chess, na pinatnubayan ng mahuhusay ring mga tagasanay na sina Gng. Nenita V. Capili at Bb. Almaira R. Dalidig. Gayon din sa larangan ng Athletics Boys, nakamit nina Joemarie Manalo ang 3rd place (200m), Jerwen Mendaros ang 3rd place (400m) at 2nd place (100m), Johnmar Cavanes ang 3rd place (100m) at Rusty Dela Paz ang 3rd place (100m) sa ilalim ng pagsasanay ng masipag na gurong si Gng. Rocelyn D. Silva. At mula sa Athletics Girls, si Gng. Maria Wilma I. Matibag naman ang kanilang matiyagang tagasanay. Kinabibilangan nina Maria Princess Hicaru Bangcolita 2nd place (400m), Mary Jane Atienza 2nd place (400m), Angelica Malonzo 3rd place (100m) at Joennabel A. Dacaya 3rd place (100m) at 1st place (200m).

             Dahil dito, ilan sa mga manlalaro natin ang napiling mapasama sa mga batang lalahok sa darating na CLRAA na gaganapin sa Iba, Zambales.

                                                                                                                   

Comments