LATEST NEWS‎ > ‎

Mga Manlalaro ng TCSES lumahok sa CLRAA 2016

posted Feb 17, 2016, 6:02 AM by Rhodelia Salas   [ updated Feb 17, 2016, 7:35 AM ]
Ginanap ang 2016 Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet sa Malolos, Bulacan na nilahukan ng mahigit 10,000 atleta mula sa buong Central Luzon.

Kaugnay ng temang, “Developing Strong Character Through Sports”, layunin ng nasabing palaro na maitatak sa isipan ng mga atleta ang disiplina, pagtutulungan, pagiging patas sa paglalaro at pakikipag kapwa-tao sa iba pang atleta mula sa 18 schools divisions sa rehiyon gayundin upang makapili ng kakatawan sa Palarong Pambansa 2016.

Isinagawa ang larong pampalakasan noong Pebrero 8-12 sa 15 lugar kabilang na ang Balagtas Central School, Balagtas Gym, Boying’s Billiard Hall, Bulacan Sports Complex, Bulacan Capitol Gymnasium, Bulacan State University Activity Center, Calumpit Central School, City Walk, CMIS Sto. Rosario, Guiguinto Municipal Athletic and Cultural Center, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Marcelo H. Del Pilar National High School Gym, Norzagaray Central School, Philippine Sports Stadium, at Richwell College sa Plaridel.

Kabilang sa sports na pinaglabanan ang Archery, Amis, Athletics, Badminton, Baseball, Basketball, Boxing, Chess, Football, Gymnastics, Sepak Takraw, Softball, Swimming, Table Tennis, Taekwondo, Tennis, Volleyball, Special Olympics. Ang Billiard, Futsal, at Sepak Takraw-Girls naman ang siyang magiging demonstration sports.

Napiling kumatawan sa Schools Division of City of Balanga ang ilang piling mag-aaral ng TCSES. Sa larong volleyball napili sina Erica Quiatchon, Marvelyn Caloling, Xyleen Torres, Aldrin Jornal, Warren Coching at Berlin Caparas. Sa larong sepak-takraw naman ay napiling manlalaro si Leonard Barata. Kasama ng mga nasabing manlalaro ang kanilang mga coaches na sina G. Dodgie Espanola, G, Darwin Miguel, Gng. Rhodelia Salas at Gng. Susan Q. Fernandez

Comments