LATEST NEWS


Mga Manlalaro ng TCSES lumahok sa CLRAA 2016

posted Feb 17, 2016, 6:02 AM by Rhodelia Salas   [ updated Feb 17, 2016, 7:35 AM ]

Ginanap ang 2016 Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet sa Malolos, Bulacan na nilahukan ng mahigit 10,000 atleta mula sa buong Central Luzon.

Kaugnay ng temang, “Developing Strong Character Through Sports”, layunin ng nasabing palaro na maitatak sa isipan ng mga atleta ang disiplina, pagtutulungan, pagiging patas sa paglalaro at pakikipag kapwa-tao sa iba pang atleta mula sa 18 schools divisions sa rehiyon gayundin upang makapili ng kakatawan sa Palarong Pambansa 2016.

Isinagawa ang larong pampalakasan noong Pebrero 8-12 sa 15 lugar kabilang na ang Balagtas Central School, Balagtas Gym, Boying’s Billiard Hall, Bulacan Sports Complex, Bulacan Capitol Gymnasium, Bulacan State University Activity Center, Calumpit Central School, City Walk, CMIS Sto. Rosario, Guiguinto Municipal Athletic and Cultural Center, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Marcelo H. Del Pilar National High School Gym, Norzagaray Central School, Philippine Sports Stadium, at Richwell College sa Plaridel.

Kabilang sa sports na pinaglabanan ang Archery, Amis, Athletics, Badminton, Baseball, Basketball, Boxing, Chess, Football, Gymnastics, Sepak Takraw, Softball, Swimming, Table Tennis, Taekwondo, Tennis, Volleyball, Special Olympics. Ang Billiard, Futsal, at Sepak Takraw-Girls naman ang siyang magiging demonstration sports.

Napiling kumatawan sa Schools Division of City of Balanga ang ilang piling mag-aaral ng TCSES. Sa larong volleyball napili sina Erica Quiatchon, Marvelyn Caloling, Xyleen Torres, Aldrin Jornal, Warren Coching at Berlin Caparas. Sa larong sepak-takraw naman ay napiling manlalaro si Leonard Barata. Kasama ng mga nasabing manlalaro ang kanilang mga coaches na sina G. Dodgie Espanola, G, Darwin Miguel, Gng. Rhodelia Salas at Gng. Susan Q. Fernandez

Batang TCSES Nakiisa sa 39th MILO Maratahon

posted Feb 17, 2016, 5:44 AM by Rhodelia Salas   [ updated Feb 17, 2016, 5:47 AM ]



Dinaluhan ng 1,250 mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Balanga ang 3K Kiddie Run ng 39th National MILO Marathon noong Hulyo 19, 2015 na si- nimulan sa Provincial Capitol Ground.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mahusay na atletang si Rio Dela Cruz na nagsilbing inspirasyon sa mga sumali at siyang nag-abot ng parangal sa mga nagwagi. Isang layunin nito ang mabigyan ng bagong sapatos ang mga manlalarong irereprisinta ang bansang Pilipinas sa ibang bansa.

Education Summit 2015

posted Feb 17, 2016, 5:41 AM by Rhodelia Salas   [ updated Feb 17, 2016, 5:47 AM ]



Ginanap ang taunang Education Summit  noong ika-25 ng Agosto, 2015 sa Louis Resort and restaurant na dinaluhan ng mga guro, mga magulang at mga opisyal ng DepEd Balanga.

“PERFORM, THINK, AFFECT: Rediscovering the Heart of Collaboration”  ang naging tema ng pagdiriwang ng Education Summit 2015. Iba’t ibang aktibidad ang naganap na pinamunuan ng ilan sa mga tagapagsalita tulad nina  Bb. Ging Igual para sa paksang “AFFECT: Emotional Quotient (EQ) - Discovering Emotional Intelligence, Science of Emotions, Impact of Emotions to Actions, Role of Parents to School Engagement at Workshops para sa mga magulang. :THINK: Intelligence Quotient (IQ) ni pinamunuan ni G. Arcie G. Mallari (President, Silid-Aralan Inc.) para sa mga guro, kasabay nito ang Induction ng mga opisyal na mga magulang sa paaralan. Nagbigay rin ng mensahe  sina Dr. Ronaldo A. Pozon (SDS ng Balanga City) na ibinahagi ang kalagayang pang-edukasyon ng Balanga City. Nagbigay rin si Hon. Jose Enrique S. Garcia III (City Mayor) na siyang nagmungkahi ng isang keynote speech.

Ang Education Summit 2015 ay isa lamang sa mga programa ng pamahalaan na mas lalong magpapataas ng antas ng edukasyon dito sa Lungsod ng Balanga. Ang ugnayan ng mga magulang kasama ang City Go- vernment pati na rin ang DepEd ang siyang magpapatibay at magpapaganda ng sistema ng edukasyon dito sa ating lungsod.

TCSES Tumanggap ng Parangal

posted Feb 17, 2016, 5:40 AM by Rhodelia Salas   [ updated Feb 17, 2016, 5:47 AM ]



Napabilang ang Mababang Paaralan ng T. Camacho Sr., sa mga paaralang binigyang parangal bilang isa sa mga Brigada Eskwela Best Implementers ngayong taon sa Division of City of Balanga. Ginanap ang nasabing awarding sa Crown Royale Hotel noong ika-23 ng Setyembre, 2015 sa ganap na ika-siyam ng umaga. Nakamit ng TCSES ang Third Place sa kategoryang “Large Schools”. Pinangunahan ang nasabing pagbibigay parangal ng ating Schools Division Superintendent Dr. Ronaldo A. Pozon, katuwang ang

Brigada Coordinator ng Balanga na si Gng. Leticia E. Eugenio,lahat ng mga EPS at mga punong-guro. Dinaluhan din ang nasabing okasyon ng lahat ng mga Brigada Eskwela Coordinators ng mga paaralang napabilang sa Best Implementers ngayong taon. Sina Gng. Violeta V. Zeller, Principal II ng TCSES, kasama ng ating BE Coordinator na si Gng. Rhodelia G. Salas ang mga tumanggap ng nasabing parangal. Bunga ito ng ipinamalas na pagtutulungan ng mga magulang, guro at lahat ng mga nakiisang miyembro ng komunidad sa ginanap na Brigada Eskwela 2015.

Ang mga ganitong pagbibigay parangal para sa pinaghirapan at pinagtulungang gawain ay magsisilbing inspirasyon pa para sa ating lahat upang lalo pang pagbutihin ang iba pang tungkuling maiatang sa atin. Nagbunga ng maganda ang ating pagsisikap na higit na mapagbuti ang kalagayan ng sanitasyon at kagandahan ng ating paaralan para sa mga batang tulad ko na umaasa sa hindi lamang maganda at malinis na paaralan, kundi sa paaralang patuloy na huhubog sa aming dunong at talento.

TCSES PASOK SA METROBANK MTAP-DEPED MATH CHALLENGE

posted Jan 18, 2014, 9:20 PM by Rhodelia Salas

Pinalad ang ating paaralan na makapasok sa top 10 at maging qualifier sa MTAP Math Challenge-Grade IV level. Ang mga mag-aaaral ay mula sa Baitang IV-Rizal, sila ay sina Titania Maria Arellano, Ann Kezia Bartolome at Jia Lei Salenga, sa pamamatnubay ng kanilang guro si Bb. Almaira R. Dalidig. Sila ay muling lalaban sa Enero 30, 2014 para sa Oral Exam. Goodluck!

TCSES, Muling Nasungkit ang Kampeonato

posted Nov 26, 2013, 4:49 AM by Rhodelia Salas

    
          Muli na namang pinatunayan ng mga mag-aaral ng T. Camacho Sr. ES ang kanilang husay at galing sa larangan ng palakasan na ginanap noong ika- 23-25 ng Oktubre, 2013. Napagtagumpayan ng Volleyball Girls ang laban sa isa ring magaling na koponan, ang BES. Naiuwi natin ang tropeyo ng pagiging kampeon sa pangunguna ng kanilang napakatiyagang Tagasanay na si G. Darwin G. Miguel at Katulong na Tagasanay na si Gng. Priscilla P. Dizon. Kabilang sa mga batang nag-kampeon sina Lira Basa, Hazel Nicole Melano, Lyka Aquino, Clariescel Salas, Richalyn Tranate, Alberlene Quiatchon, Priscilla Barlin, Princes Rein Rodriguez, Crisnel Manabat at Jenina Vienne Santiago.

            Di rin pahuhuli ang pangkat ng mga bata sa Sepak Takraw na masasabing “trademark” ng T. Camacho, kung saan mula noon ay hindi umuuwing talunan mapa-District Meet o City Meet pa man. Nakamit din nila ang kampeonato sa taong ito sa paggabay ng kanilang mahusay na Tagasanay na si Gng. Susan Q. Fernandez. Kinabibilangan naman nina Jhun Mark Mendoza, John Arnel Mendaroz, Mark Lewis Tan, Ace Philip Wapin, Jose Dacaya at Reynaldo Del Pilar Jr. ang nasabing koponan.

            Bukod sa pagiging kampeon ng Volleyball Girls at Sepak Takraw, nagpamalas din ng kanilang husay ang mga manlalaro sa larangan ng Volleyball (Boys),Chess at Athletics. Nakamit ng Volleball Boys ang Ikalawang puwesto sa tulong ng kanilang magaling na tagasanay na si G. Dodgie C. Española. Sina Erwin Moreno, Lawrence Ibañez, Ronel Bangcoleta, John Mark Aguilar, Wency Reyes, John Carlo Reyes at Reuben Cruz ang mga manlalarong bumubuo dito. Nakamit ng Chess ang 3rd at 5th place, sina Ricardo De Leon (3rd place) at KC Urquiza (5th place) naman ang mga batang pambato sa larangan ng Chess, na pinatnubayan ng mahuhusay ring mga tagasanay na sina Gng. Nenita V. Capili at Bb. Almaira R. Dalidig. Gayon din sa larangan ng Athletics Boys, nakamit nina Joemarie Manalo ang 3rd place (200m), Jerwen Mendaros ang 3rd place (400m) at 2nd place (100m), Johnmar Cavanes ang 3rd place (100m) at Rusty Dela Paz ang 3rd place (100m) sa ilalim ng pagsasanay ng masipag na gurong si Gng. Rocelyn D. Silva. At mula sa Athletics Girls, si Gng. Maria Wilma I. Matibag naman ang kanilang matiyagang tagasanay. Kinabibilangan nina Maria Princess Hicaru Bangcolita 2nd place (400m), Mary Jane Atienza 2nd place (400m), Angelica Malonzo 3rd place (100m) at Joennabel A. Dacaya 3rd place (100m) at 1st place (200m).

             Dahil dito, ilan sa mga manlalaro natin ang napiling mapasama sa mga batang lalahok sa darating na CLRAA na gaganapin sa Iba, Zambales.

                                                                                                                   

Educhild Parenting Seminar sa TCSES, Naging Matagumpay sa Ikatlong Pagkakataonntitled Post

posted Nov 26, 2013, 4:44 AM by Rhodelia Salas   [ updated Feb 17, 2016, 6:10 AM ]

          
            Ang ating City Government ay naglalayon na magkaroon ng mga responsableng magulang sa buong lungsod ng Balanga. Ang T. Camacho Sr. Elementary School ay nakiisa sa layuning ito. Sa katunayan, ang seminar workshop na ito ay naisagawa na sa loob ng tatlong taon.

            Ngayong 2013, idinaos ang Educhild Parenting seminar dito sa ating paaralan mula Agosto 7 hanggang Oktrubre 2, 2013. Ito ay dinaluhan ng mga magulang mula sa Ikaanim na Baitang. Isinasagawa ito  tuwing araw ng Miyerkules mula sa ika-1:00-5:00 ng hapon  sa audio-visual room ng paaralan.  Ang mga magulang ay nahihikayat na dumalo dahil sa mga bagay na kailangan nilang dapat matutunan sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Ang parenting seminar na ito ay tumatalakay sa 10 modules na ang bawat module ay may kaugnayan sa pangangasiwa ng pamilya, kasama na rin ang mga kaalaman kung paano mapagtitibay ang relasyon ng mag-asawa at tamang pagpapalaki ng mga anak. Ang parenting seminar ay nagtapos noong ika-2 ng Oktubre sa pamamagitan ng isang maikling programa na kung saan ay iginawad ang mga seritpiko ng pagpapatunay na ang mga magulang na kalahok at sumailalim sa parenting seminar.

                                                                                                                                          ni: Aaron V. Diaz, V-Aquino

Educhild Parenting Seminar sa TCSES, Naging Matagumpay sa Ikatlong Pagkakataon

posted Nov 26, 2013, 3:36 AM by Rhodelia Salas


            Ang ating City Government ay naglalayon na magkaroon ng mga responsableng magulang sa buong lungsod ng Balanga. Ang T. Camacho Sr. Elementary School ay nakiisa sa layuning ito. Sa katunayan, ang seminar workshop na ito ay naisagawa na sa loob ng tatlong taon.

    Ngayong 2013, idinaos ang Educhild Parenting seminar dito sa ating paaralan mula Agosto 7 hanggang Oktrubre 2, 2013. Ito ay dinaluhan ng mga magulang mula sa Ikaanim na Baitang. Isinasagawa ito  tuwing araw ng Miyerkules mula sa ika-1:00-5:00 ng hapon  sa audio-visual room ng paaralan.  Ang mga magulang ay nahihikayat na dumalo dahil sa mga bagay na kailangan nilang dapat matutunan sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Ang parenting seminar na ito ay tumatalakay sa 10 modules na ang bawat module ay may kaugnayan sa pangangasiwa ng pamilya, kasama na rin ang mga kaalaman kung paano mapagtitibay ang relasyon ng mag-asawa at tamang pagpapalaki ng mga anak. Ang parenting seminar ay nagtapos noong ika-2 ng Oktubre sa pamamagitan ng isang maikling programa na kung saan ay iginawad ang mga seritpiko ng pagpapatunay na ang mga magulang na kalahok at sumailalim sa parenting seminar.

                                                                                                                                  

1-8 of 8