HOME‎ > ‎SCHOOL ACTIVITIES‎ > ‎

Feeding Program, Patuloy na Isinasagawa

                

            Isa sa mga problema sa ating bansa ang pagkain. Kaya naman ang pamunuan ng HRPTA ng bawat klase ay nagsagawa ng feeding program para sa mga batang malnourished. Sa pamamatnubay ng guro sa EPP na si Gng. Susan Q. Fernandez, ang feeding program ay naisasagawa sa tulong ng mga HRPTA ng bawat klase. Ito ay nagsimula noong buwan ng Setyembre at ito ay matatapos sa Marso. May limampung (50) bata ang napiling mapasama sa programang ito ng mga samahan ng magulang. Sila ay nagmula sa Kindergraten hanggang ikaanim na baitang. Ang pagkain na inihahanda ay nagmumula sa mga magulang ng bawat klase. Sinisigurado nilang masustansya at masarap ang kanilang ihahain. Mula sa paaralan, ang iniinom na gatas ng mga batang kasama sa programa.

                                                          

TCSES at OLLES sumailalim sa School Parent Partnership Seminar

posted Dec 10, 2013, 7:21 AM by Rhodelia Salas

 

   Ang T. Camacho Sr, Elementary School at Our Lady of Lourdes Elementary School ay nagsanib para sa isang makabuluhang aktibidad. Ang mga nasabing paaralan ay nagsagawa ng School-Parent Partnership Seminar para sa mga guro at magulang ng dalawang paaralan. Ito ay naganap noong ika-10 ng Disyembre 2013 sa TCSES Covered Court. Ang naimbitahan na resource speaker ay isang kilala, respetado at nmagaling na abogado mula sa Pampanga na si ATTY. CORAZON AGUILAR-DAVID. Ito ay pinangunahan ng mga masisipag na punungguro na sina Gng. Ma. Elena V. Medina at Gng. Lisa G. Austria. Layunin ng seminar na ito na mamulat ang mga magulang gayundin ang mga guro ng TCSES at OLLES sa kanilang mga karapatan at tungkulin sa mga bata. Isang patunay ito na ang mga paaralan sa Balanga City ay pinapahalagahan ang relasyon ng magulang at paaralan na naglalayo sa mabuting kapakanan ng mga estudyante.

1-1 of 1