HOME‎ > ‎

SCHOOL ACTIVITIES


Araw ng mga Puso, Ipinagdiwang!

posted Feb 17, 2016, 6:06 AM by Rhodelia Salas



Ang Paaralang Elementarya ng T. Camacho Sr. ay nagdiwang ng Buwan ng mga Puso ngayong Pebrero 2016 sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t-ibang aktibidad. Ito ang buwan na pinakhihintay ng mga mag-aaral dahil sa mga aktibidad na inihanda ng mga guro. Ito ay para mapaalala sa mga mag-aaral na ang pagmamahal ay hindi lamang para sa pamilya kundi para rin sa kanilang mga guro at kapwa-mag-aaral.

Nagkaroon ng maikling programa ang bawat klase sa kani-kanilang silid-aralan noong ika-12 ng Pebrero. Matapos ang maikling programang isinagawa sa loob ng silid-aralan. Nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga mag-aaral na umikot sa buong paaralan para mabisita ang mga iba’-ibang booths na inihanda ng bawat baitang. Mayroong Fansign Booth, ALDub Nations Booth, Kissing Booth at Marriage Photo Booth. Ang mga mag-aaral ay masayang nakisali sa pakulo ng bawat booth. 

National Vaccination Day

posted Feb 17, 2016, 6:00 AM by Rhodelia Salas


Ang paaralan ang itinuturing na pangalawang tahanan ng mga mag-aaral. Dito  hinuhubog at pinapaunlad ang husay at tatag ng kaalaman ng bawat isa sa pag-aaral. Magiging matagumpay ang paghubog na ito kung may sapat na gabay, wastong nutrisyon, lakas ng katawan at isipan ang bawat klase. Dahil sa sakit, balewala ang karunungang ibinibigay ng paaralan.

Sa ating bagong K-12 curriculum, ang pundasyon ng kaalaman sa elementarya ay nag-umpisa sa K1 o unang baitang lalo na sa gawaing pagbabasa at paghasa sa sariling talento. Ang ganitong edad ang pinakamabisang sisidlan ng matatag na karunungan kaya dapat na binabantayan ang kanilang kalusugan. Samantalang K7 o ika-7 grado naman sa se-kondarya ang simula ng kanilang bukas na isipan patungo sa tamang landas ng kaalaman sa buhay.

Upang maiwasan ang nakaambang panganib dulot ng sakit na maaaring makaapekto sa wasto at tamang pagkatuto na kanilang sandata sa hinaharap, nagpatupad at idineklara ng DepEd katuwang ang Department of Health ang “National Vaccination Day” na naglalayong mabigyan ng proteksiyon ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan na nasa Grade 1 at grade 7 laban sa tetanus at depterya.

Bilang tugon ng ating paaralan sa nasabing  proyekto,  sa  pagtutulungan ng mga guro sa paaralan at Local Government Unit ng barangay na may kinalaman sa kalusugan, inimbitahan ang mga magulang ng mga bata sa unang baitang upang higit na ipaunawa  ang panganib na dala ng tetanus  at depterya sa kanilang mga anak, gayundin ang kahalagahan ng bakuna sa kalusugan na nauugnay sa kanilang pag-aaral. Kaya noong Agosto 10, 2015 na tinagurian ding National Vaccination Day, ang 141 bata sa unang baitang sa Paaralang Elementarya ng T. Camacho Sr. ay nabigyan ng libreng bakuna para sa tetanus depterya.

Ngayon ay tiyak ng masisiguro ng bawat paaralan ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral at maiiwasan ang nagbabantang sakit na karaniwang humahadlang sa mabuting pagkatuto ng mga mag-aaral.

Mga Guro Sumailalim sa ELLN

posted Feb 17, 2016, 5:59 AM by Rhodelia Salas


Isinagawa  ang Early Language Literacy and Numeracy Training (ELLN) for Early Grade Teachers (Kinder to Grade 3) noong Setyembre 4, 2015 sa AVR ng Mababang Paaralan ng T. Camacho Sr. na dinaluhan ng mga guro sa nasabing paaralan kasama ang mga guro mula sa Mababang Paaralan ng Tenejero.

Pinangunahan ang pagsasanay ng masisipag na punong-guro na sina Gng. Violeta V. Zeller at Gng. Agnes O. Magdalera kaagapay sina Gng. Cita C. Merla, Master Teacher II ng Tenejero E. S. at Bb. Kristine M. Seril, Teacher 1 ng T. Camacho Sr. Ang pagsasanay na ito ay gaganapin tuwing Biyernes ng hapon sa loob ng sampung lingo. Ito ay naglalayon na mapatatag at mapataas pa ang abilidad ng mga mag-aaral sa pagbabasa mula sa kindergarten hanggang ikatlong baitang at inaasahang malaki ang maitutulong nito sa pag-unlad ng mga mag-aaral.

EDUCHILD Parenting Seminar

posted Feb 17, 2016, 5:55 AM by Rhodelia Salas

Sinimulan ang pag-aaral ng mga magulang sa Educhild Parenting Seminar noong ikalima ng Setyembre, 2015 sa Audio-Visual Room (AVR) ng Paaralang Elementarya ng T. Camacho Sr. sa pangunguna ng Educhild Coordinator  ng paaralan na si Gng. Mellanie M. Reyes.

Layunin ng nasabing programang pamahalaan na matutuhan ng mga magulang ang tamang pagpapalaki sa kanilang mga anak kasama ang kaa-laman kung paano higit pang mapagtitibay ang

relasyon ng mag-asawa. Sa ikaapat na taon ng nasabing pagsasanay masasabing prayoridad ng pamahalaan ang pagkakaroon ng matibay na pamilya na siyang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng maunlad na komunidad

TCSES Sumailalim Sa SBM Validation

posted Feb 17, 2016, 5:54 AM by Rhodelia Salas



Binisita ang ating paaralan noong nakaraang ika-20 ng Enero 2016. Noong nakaraang taong panuruang 2014-2015 ang ating paaralan ay nagawaran ng School Based Management Level I. Kaya naman ngayong kasulukuyang taong panuruan 2015-2016 ay puspos ang paghahanda ng mga guro upang mapataas ang antas ng SBM Level ng ating paaralan. Ang pagbisita para sa SBM Validation ay pinangunahan ng dalawang masisipag na Chief in Education na sina Dr. Flordeliza Del Rosario at Dr. Merlinda Tablan. Kasama rin sa grupo ng mga validators sina Bb. Yolanda Pruna, Gng. Leticia Eugenio, Gng. Maila Capulong, Gng. Edna Polache, Bb. Heide at Eng. Nerce Ann. Ang mga naatasang guro naman na humarap sa mga validators ay sina Bb. Almaira Dalidig, Gng. Rhodelia Salas, Gng. Emily Madarang, Gng. Rubeliza Hernandez, Gng. Maria Wilma I. Matibag, G. Raymond Romeroso, Gng. Elvina Perez at Gng. Mirasol L. Galang sa pamamatnubay ng masipag na punungguro na si Gng. Violeta V. Zeller. Ang lahat ay umaasang magiging maganda ang kalalabasan ng validation na ito.

National Mass Deworming 2016

posted Feb 17, 2016, 5:52 AM by Rhodelia Salas


Nakiisa ang TCSES sa National Deworming Day 2016 noong ika-27 ng Enero 2017. Ang lahat ng mag-aaral mula sa Kindergarten hanggang Ikaanim na Baitang ay uminom ng gamot kontra-bulate. Ang programang ito ng pamahalaan ay naglalayon na mapababa ang kaso ng mga estdyanteng apektado ng bulate na nagdudulot ng panghihina, pagkawala ng ganang kumain, mababang IQ at pamumutla.

Pinangunahan ng Health Coordinator na si Gng. Maria Wilma Matibag at Gng. Susan Fernandez ang pagbibigay ng gamot sa mga mag-aaral. Katuwang ng dalawang guro ang Barangay Health Worker at ilang kinatawan mula sa City Health Officer.


TCSES at OLLES sumailalim sa School Parent Partnership Seminar

posted Dec 10, 2013, 7:23 AM by Rhodelia Salas


Ang T. Camacho Sr, Elementary School at Our Lady of Lourdes Elementary School ay nagsanib para sa isang makabuluhang aktibidad. Ang mga nasabing paaralan ay nagsagawa ng School-Parent Partnership Seminar para sa mga guro at magulang ng dalawang paaralan. Ito ay naganap noong ika-10 ng Disyembre 2013 sa TCSES Covered Court. Ang naimbitahan na resource speaker ay isang kilala, respetado at nmagaling na abogado mula sa Pampanga na si ATTY. CORAZON AGUILAR-DAVID. Ito ay pinangunahan ng mga masisipag na punungguro na sina Gng. Ma. Elena V. Medina at Gng. Lisa G. Austria. Layunin ng seminar na ito na mamulat ang mga magulang gayundin ang mga guro ng TCSES at OLLES sa kanilang mga karapatan at tungkulin sa mga bata. Isang patunay ito na ang mga paaralan sa Balanga City ay pinapahalagahan ang relasyon ng magulang at paaralan na naglalayo sa mabuting kapakanan ng mga estudyante.

Family Day, Ipinagdiwang

posted Nov 26, 2013, 5:00 AM by Rhodelia Salas

               
 
                Masayang ipinagdiwang ang Family Day ng mga mag-aaral, guro at mga magulang noong Setyembre 27, 2013 sa Paaralang T. Camacho Sr.

                Sinimulan ang nasabing pagdiriwang sa pamamagitan ng isang parada na sinundan ng masayang Sportsfest ng mga mag-aaral. Hindi magkamayaw sa katuwaan ang mga nagwaging koponan.

                Nagkaroon din ng munting palatuntunan sa pangunguna ng mga guro sa ikatlong baitang. Isinabay rin dito ang ilang patimpalak na nilahukan ng mga magulang at guro. Sa huli ay sama-samang nagsalo-salo ang mga mag-aaral sa kani-kanilang silid-aralan.

                                                                                                                                             

Pagdiriwang ng Teachers' Day.

posted Nov 26, 2013, 4:56 AM by Rhodelia Salas



            Ang mga masisipag at matitiyagang guro ng T. Camacho Sr. Elementary School ay nagdiwang ng Teachers' Day noong ika-4 ng Oktubre 2013. Ang pagdiriwang na ito ay pinangisawaan ng Supreme Pupil Government. Ang mga guro ay nakatanggap ng munting regalo at bulalak mula sa kani-kanilang mga estudayante

1-9 of 9